-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Patay ang tatlong mga teenager matapos na masagi ang kanilang sinasakyang motor sa isang 10-wheeler truck sa Baranggay Naghalin, Kangga, Leyte.

Kinilala ang mga biktima na sina James Kenneth Costillos Sollano, driver ng motorsiklo, 18, back riders na sina si Albis Rosales, 19, at Felipe Tapar, pawang mga estudyante at residente ng Baranggay Naghalin Kanangga, Leyte

Ayon kay PSSUPT Norberto Tuazon, hepe ng Leyte Police Provincial Office, nasagi ng truck ang sinasakyang motorsiklo ng tatlong binatilyo nang magcounter flow ang mga ito.

Mula sa Tacloban ang 10-wheeler truck papuntang Ormoc.

Dead-on-the Spot ang nasabing mga biktima, na napag-alaman namang walang mga suot na mga helmet.

Samantala, nasa kustodiya naman na ng Kangga PNP ang driver ng 10-wheeler -ruck na si Benjie Jabilles, 21-anyos.

Reckless Imprudence resulting to Multiple Homicide ang nakikitang isasampang kaso laban kay Jabilles.