-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Patuloy ang isinasagawang Hot pursuit operation ngayon ng mga otoridad laban sa apat na armadong mga kalalakihan na nangholdap sa isang bus sa Baranggay Veloso, Marabut, Samar.

Ayon kay PSI Rex Pabunan, Hepe ng Marabut Police Station, na matapos na matanggay ng mga suspek ang mga Cellphones, pera at alahas ng mga pasahero ay kaagad ang mga itong tumakas.

Aabot sa humigit kumulang 50 libo ang natanggay na kagamitan ng mga suspek.

Kwento ng driver ng GM Busline na paglampas nila sa isang resort sa naturang lugar ay bigla na lamang silang hinarang ng mga suspek na nakabalot ang mukha at may dalang kutsilyo, at Short fire arm.

Batay sa mga witness na nasa edad 25-40 taong gulang ang mga suspek.

Ayon pa kay Pabunan, na tinitingnan nila ngayong anggulo kung miyembro ng New People’s Army (NPA) ang mga suspek o mga PAGS.

Dagdag pa ni Pabunan na inaalam din nila ngayon kung taga saan ang mga ito lalo pat Lokal na lenggwahe ang salita nito.

Wala namang nasaktan sa naturang insidente.