DOLORES EASTERN SAMAR–Umabot sa 783 na pamilya o 2,338 indibidwal ang bilang nga mga pinalikas na indibidwal sa bayan ng Dolores Eastern Samar, dulot ng pag-ulan na dala ng Shear Line.
Ayon kay Ulysses Pomarejos, Municipal Disaster Risk Reduction Management (MDRRM) Officer ng Dolores Eastern Samar, ayon sa kanilang monitoring umabot sa 11 na upstream barangays, ang apektado isang coastal area sa Brgy. Apihan, at Brgy. 13 Polbalcion Purok 3 at 4 ng nasabi nga lugar.
Dagdag pa ni Pomarejos, nagsimula ang pag-ulan kahapon, ika 8 ng Pebrero, kung saan agad naman silang nagpatupad ng evacuation sa lahat ng mga naninirahan sa low-lying area.
Maliban sa pagbaha nakaranas din ng pagkaputol ng kuryente ang ilang lugar sa Eastern Samar.
Samantala, nagbigay naman agad nga abiso sa mga nakatira sa mga upstream barangays na makig-ugnayan sa mga barangay council, at magsagawa na ng pre-emptive evacuation.
Naka-standby na rin an mga food packs para sa mga maapektuhan ng masamang panahon.
Ina-asahan naman ni Pomerejos, na madadagdagan pa ang bilang ng mga barangays na babahain, at mga pamilya na lilikas sa mga evacuation hanggat hindi pa tumitila ang ulan.
Sa kabilang banda, nakaranas naman ng pagbabaha ang Lope de Vega, Northern Samar, kung saan apektado ang 20 na barangay, at nagpatupad na rin nga forced evacuation sa 44 na pamilya o 121 na indibidwal at nagpatupad na rin ito nga kanselasyon nga kanilang pasok sa lahat ng antas.
Ang pakikigpanayam kay Ulysses Pomarejos, Municipal Disaster Risk Reduction Management (MDRRM) Officer ng Dolores Eastern Samar.











