TACLOBAN CITY– Hindi mapigilang sabonin ni DPWH Sec. Vince Dizon, si District Engineer Calbayog City Raulito Yangzon, at ilang kasamahan nito sa DPWH Calbayog, dahil sa hindi natapos na construction ng tulay sa Calbayog Bypass Coastal Road ngayong araw ng Lunes sa Samar area.
Ayon kay Sec. Dizon, posibleng may kaharapin na kaso ang mga nagplano at ang DPWH Calbayog dahil sa kanilang hindi maayos na proyekto.
Dagdag pa ni Dizon, na sa kanyang naging inspeksyon hindi dumaan sa Philippine Ports Authority PPA, ang nasabing proyekto.
Binigyan diin nito, na kailangan asikasuhin ng DPWH Calbayog ang nasabing gusot at makipag-koordinasyon ito sa PPA sa lalong madaling panahon.
Iginiit pa ni Dizon, na ipagdasal ng mga engineer ng DPWH Calbayog, na pumayag ang PPA para maremidyuan ang nasabing problema sa Calbayog Bypass Coastal Road.
Mapapag-alaman na sinimulan na ipailalim sa construction ang nasabing tulay noong 2019 at hanggang ngayon ay nakatinga parin.











