-- Advertisements --

TACLOBAN CITY–Umabot na sa 249 ang naitala na mga stranded na pasahero sa mga pantalan ng Eastern Visayas, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) District Eastern Visayas ngayong araw, ika 5 ng Pebrero, dulot ng Tropical Storm Basyang.

Ayon kay Ensign Ryan Jaime Tolentino, Information Officer ng PCG District Eastern Visayas, na karamihan sa mga na-stranded ay mga helpers at drivers ng rolling cargoes.

Dagdag pa sa mga stranded ang 123 na rolling cargoes, 4 na vessels, at 10 na vessels na naiulat na nag shelter .

Kabilang sa kanilang mga hakbang sa paghahanda, nagsagawa sila ng mga proactive and preparedness measures, at itinaas na ang Blue Alert status, public information dissemination, at nagpalabas ng mga sea travel advisories para sa pagsuspendi ng mga biyahe sa mga pantalan sakop ng distrito.

Nagsagawa rin ang PCG personnel galing sa Coast Guard Security Patrol ng public dissemination sa mga mangingisda na hindi na ang mga ito pumalaot pa.

Ini-activate rin ng coast guard stations and substations ang kanilang mga Deployable Response Group (DRG) teams, at naghanda ng available mobility at floating assets.

Bukod nito, dumalo ang mga PCG personnel sa mga pre-disaster preparedness meetings kasama ng mga counterpart agencies kagaya ng Regional Disaster Risk Reduction Management Office at Philippine National Police (PNP), para paghandaan an posibleng pagtama ng Tropical Storm Basyang sa Eastern Visayas.