TACLOBAN CITY- Aabot sa 401 na stranded passengers ang naitala ng PCG District Eastern Visayas, dahil sa Tropical Storm Basyang.
Ayon kay Ensign Ryan Jaime Tolentino, Information Officer ng PCG District Eastern Visayas, sa nasabing bilang pinaka mataas dito ang Southern Leyte, kung saan itinaas ito sa Signal No. 2 , ina-asahan naman nila na posileng madagdagan pa it sa mga susunod na oras.
Dagdag pa nito mayroon ding 196 stranded rolling cargoes, 2 stranded vessel, 19 naman ang mga nag-taking-shelter na mga vvessels, at 23 na motor-bangka naman ang mga stranded.
Sa ngayon , wala pa silang natatangap na report na may naitala na missing dala ng masamang panahon.
Ayon pa kay Ensign, naka stanby ang kanilang mga personnel, at hindi pa sila nagsagawa ng force evacuation, maliban nalang sa mga nagboluntaryo na mag-evacuate na mga residente nga nakatira sa gilid ng baybayin, at mga low lying areas na malapit mga landslide prone area.











