TACLOBAN CITY– Nagsasagawa ng Libreng Sakay ang Office of the Civil Defense region 8, at ilang interagency para sa mga truck nga tatawid sa San Juanico Bridge, gamit ang RoRo, na maydalang mga essential at perishable goods.
Sa patuloy na pagsasaayos ng san juanico bridge dahil sa mga nakitaang sira nito, na siya namang pagtaas sa presyo ng gasolina binigyan hakbang naman ng Office of the Civil Defense region 8 ang inirerekalamo ng ilang cargo kaugnay sa byahe kung saan Ilan sa mga ito ay humigit 1 buwan ng nakatingga sa entrada ng tulay dahil sa mabibigat nitong dala na lumalagpas ng 3 metric tons.
Upang maibsan ang kalbaryo ng mga truck drivers, nag lunsad ng libring sakay ang ilang ahensiya ng gobyerno sa eastern visayas sa pangunguna ng ocd at regional inter-agency coordinating cell task force San Juanico.
Ayon kay Office of the Civil Defense regional Director 8 – Lord Byron Torrecarion, ginawa nila umano ang programang itong upang matugunan ang hinaing ng mga truck drivers na makatawid mula samar papuntang leyte at leyte papuntang samar na may dalang mahahalagang produkto.
Target na beneficiaries ng Libreng Sakay ay mga cargo, government and humanitarian vehicles, at private sector suppliers o traders na may dala na essential at perishable goods gaya ng pagkain, medicina, tubig, animals feeds, gasolina, at ilang pang emergency response.
Tatagal lang umano ang Libreng Sakay hanggang 6 na buwan na kung saan nasa 630 contract trips lamang ang mayroon, at ang magiging ruta nito ay mula Tacloban papuntang Basey Samar vice versa.
Para naman sa mga nais umanong mag avail ng libring sakay, kinakailangan mag fill-out at aprubadong application form na inisyo ng ocd o sa naka disgnated na lgu/agency, photocopy ng valid government ID ng driver, vehicle registration documents tulad ng OR/CR at cargo nga mayroon ng indikasyon may essential o perishable goods.
Umaasa naman ang mga truck driver’s na hindi sana lamang 6 na buwan ang itatagal nito kundi hanggang maibalik sana sa normal na byahe sa San Juanico Bridge.