-- Advertisements --

TACLOBAN CITY- Viral sa social media ang nangyaring graduation rites sa Barangay Libertad San Jorge, Samar, dahil sa iisang estudyante lang sa nasabing barangay ang nakapagtapos ngayong taon.

Ayon kay, Gerry Ocenar, Information Officer, DEPED Samar Division, sa kanyang batch ay isa lang itong nag-enroll, mula kindergarten hanggang Grade 6.

Dagdag pa ni Ocenar, an Libertad Elementary School, ang nasabing paaralan ay nag-iimplementa ng multi-grade program, ibig-sabihin may mga guro na nagtuturo sa isa-hanggang tatlong klase.

Sa ngayon, mayroon lamang silang 9 na estudyante na nakapag-enroll, mula Grade 1-6, para ito sa susunod na taon, maliban lang sa Grade 4 at Kindergarten dahil walang may nag-enroll.

Ina-asahan ni Ocenar, na sa mga susunod na taon ay walang mangyayaring graduation sa kadahilanang walang mga estudyanteng nag-eenroll.

Napag-alaman na ang nasabing barangay ay malayo sa kabihasnan, malayo ito sa ospital, pamilihan at iba pang lugar na makikita ngayong makabagong panahon.