-- Advertisements --

SAN JUAN, SOUTHERN LEYTE – Naliligo sa sariling dugo, walang suot na pang-ibaba at wala nang buhay ng matagpuan ang isang saleslady sa isang abandonadong rest house sa Brgy. Sua, San Juan, Southern Leyte.

Sa impormasyong nakuha ng mga otoridad, ang biktima ay nakitang duguan, maraming galos sa katawan, nakadapa at wala ng suot pang-ibaba ng matagpuan sa nasabing area.

Kinilala ang biktima kay alias Norie, 27-anyos, isang saleslady at residente ng Brgy. Bobon-A, San Juan, Southern Leyte.

Ayon kay San Juan MPS, Acting Chief of Police PCPT VILSASAR R COLIAO, kinaladkad at pinukpok ng matigas na bagay ang ulo ng biktima hanggang sa tuluyan itong bawian ng buhay. Kung saan, ang itinuturong motibo ng suspek upang gawin ang krimen ay “lust”.

Ang suspek ay kinilalang barkada ng biktima matapos itong bulontaryong sumurender sa mga otoridad.

Samantala, sa isinagawang mediko legal sa bangkay ng biktima ay walang nakitang seminal fluid sa private part nito pero haharap padin sa kasong rape with homicide ang suspek.

Sa ngayon, ay nasa ilalim na ng San Juan Municipal Police Station ang kustudiya ng suspek.

Pinaalalahanan naman ng mga otoridad ang publiko na alagaan ang sarili at hindi basta-bastang magtitiwala kahit pa sa kaibigan.