TACLOBAN CITY– Nangako ang alklade ng Albuera Leyte, Kerwin Espinosa, na sa loob ng kanyang 100-days na panunungkulan bilang alkalde ng nasabing lugar, bibigyan niya nga panahon ang paglilinis sa mga drug-pushers ng ilegal na droga sa Albuera Leyte.
Ayon kay Albuera Leyte Mayor, Kerwin Espinosa, nangunguna sa kanyang bucket-list, ang paghuli sa mga tulak ng droga.
Dagdag pa nito, gagawin niya ang lahat, para sa kanyang nasasakupan na hindi mapariwa ang buhay ng mga ito.
Bumu-o narin sila ng mga intervention, at livelihood program para sa mga mahuhuli na tulak ng droga.
Sa nasabing plano, ipinangako rin ng alkalde na walang dadanak na dugo sa kanyang kampanya kontra ilegal na droga.
Layunin, ni Kerwin na mas mapabuti pa ang buhay ng mga taga-Albuera at maideklara itong drug-free sa buong rehiyon.