TACLOBAN CITY- Matagumpay na nailigtas ang mga pasaheros na sakay ng isang pribadong motorized bagka sa Dimasalang, Masbate Port, matapos itong tumaob, na patungong San Vicente, Northern Samar.
Naganap ang search and rescue operation sa dalampasigan ng Cadulan, Dimasalang Masbate.
Ang mga biktima ay dalawang mag-asawa na residente ng San Vicente Northern Samar at isang residente ng Sitio Himomoro Purok 7 Pinisajan.
Ayon kay San Vicente Municipal Municipal Fire Station, SFO2, Alipio Alegre, na na-katangap sila ng tawag na mayroon motorized bangka, na lumubog at agad naman silang rumesponde.
Dagdag ni Alegre, halos isang oras nagpalutang-lutang ang tatlong biktima sa kadagatan bago ito ma-rescue.
Pagdating nila sa area, naabutan nilang nagsasagawa na nga rescue operation ang Dimasalang MDDRMO,at coast guard ng Masbate.
Napag-alaman na nagkaroon ng butas ang nasabing motorized bangka, rason kung bakit ito tumaob.
Wala namang nasaktan o namatay sa insidente, at ligtas ang mga itong nakarating sa dalampasigan kasama na ang kanilang mga personal na gamit.
Sa ngayon, naka-uwi na ang mga biktima sa kanilang mga tahanan, samantala patuloy naman ang pakikipag-koorndinasyon ng PCG Eastern Visayas, sa Masbate PCG, kung kompleto ang mga dokumento ng nasabi nga motorized bangka.
Ang nasabing operasyon ay pinagsamang pagsisikap ng Philippine Coast Guard Dimsalang, MDRRMO Dimasalang first responding team ng MDRRMO San Vicente, at San Vicente FS Personnel.











