-- Advertisements --

TACLOBAN CITY — Nasa state of trauma parin ang 10 taong gulang na bata matapos na gahasa-in ng dalawang beses ng isang tricycle driver sa Catbalogan, Samar.

Kwento ng lola ng biktima na humahagulhol ng iyak ang kanyang apo ng umuwi sa kanila at isinumbong sa kanya ang ginawang pangmomolestiya ng tricycle driver na kanyang nasakyan ng pauwi na siya galing skwela.

Nakilala ang suspek na si Jerry Saguman Lacaba, 31 taong gulang at residente ng P4, Brgy 13, Catbalogan City na kaagad naman na nahuli sa isinagawang manhunt operation ng mga kapulisan sa naturang bayan.

Ayon kay PCInsp Herbert Joey Grata, hepe ng Catbalogan PNP, na inamin ng naturang suspek na nasa ilalim siya ng impluwensiya ng illegal na droga ng gahasa-in niya an 10 taong gulang na bata.