-- Advertisements --

SAN ISIDRO, NORTHERN SAMAR – Ligtas na narescue sa Cataingan Masbate at nakauwi sa kanilang mga tahanan ang apat sa anim na mga mangingisda ng San Isidro Northern Samar matapos tumaob ang sinasakyang bangka sa Brgy. Palanit Northern Samar.

Ayon kay Philippine Coast Guard Northern Samar Station, Station Commander LTJG RHIAN KEAN A GACO, ang mga mangingisda ay naglalayag galing sa Brgy. Balite San Isidro Northern Samar patungo sa boundary ng Palanit, Northern Samar at Tagapul-an Island upang mangisda ng mangyari ang insidente.

Bandang alas 4:00 ng madaling araw ay nabutas ang ibabang parte ng sinasakyang fishing bangka ng mga mangingisda na naging rason kung bakit pumasok ang tubig at tumaob ito.

Bandang alas 6:00 ng umaga, ay unang na rescue ang dalawa sa anim na mangingisda matapos itong matagpuan ng mga lokal na mangingisda ng Brgy. Palanit habang ang 4 na iba pa ay hindi natagpuan.

Dahil dito, agad namang nagsagawa ng search and rescue operation ang mga personnel ng Philippine Coast Guard sa karagatan ng Brgy. Palanit San Isidro at Tagapul-an Island pero bigong matagpuan ng mga ito ang apat na iba pa at ang half-submerged fishing bangka sa naturang mga area.

Noong sumunod na araw ng paghahanap sa apat na mangingisda, nakatanggap ng impormasyon ang PCG Northern Samar Station na natagpuan at narescue ang mga nawawalang mangingisda sa Sitio Bituon, Brgy. Concepcion, Cataingan, Masbate.

Agad namang nakipagtulongan ang CGS Northern Samar at MDRRMO San Isidro sa CGS Masbate para sa pag-escort sa mga ito at upang ligtas na makabalik sa kanilang mga pamilya.

Wala namang naitalang nasugatan sa mga mangingisda at ligtas na nakauwi sa kanilang mga bahay.