-- Advertisements --

TACLOBAN CITY– Tumaas sa 15,669 ang naitala na kaso ng dengue sa rehiyon noong Enero hanggang Disyembre 2024.

Sa inilabas na datos ng Department of Health Eastern Visayas, nakapagtala ng 15,669 nga kaso ang kagawarang pankalusugan, mas mataas ito kumpara noong 2023 na mayroon lamang 4,539.

Tumaas din ang bilang ng mga namatay sa kaso dengue na mayroon 27 taong 2024 kumpara sa 10 noong 2023.

Karamihan sa mga tinamaan ng dengue ay mula 1 hanggang 10 taong gulang at karamihan dito ay mga lalaki.

Nanatili naman na mataas ang kaso sa Leyte na mayroong 4,905 kumpara sa ibang probinsya na may 3,899 sa Samar, 1,031 sa Eastern Samar, 1,020 Northern Samar at 2,776 naman sa Southern Leyte.

Patuloy naman ang 4s program ng Department of Health tulad ng pagsugpo sa mga pinamumugaran ng kiti-kiti at panatilihin na nakatakip ang mga naka imbak na tubig, magpatingin sa doctor kung makaranas ng biglang pagtaas ng langgat na tumagal ng 2 araw na may kasamang ibang sintomas, magsuot ng mga mahahaba na damit o light colored, gumamit din ng insec repellant, at makipag tulungan sa programa ng DOH kagaya ng fogging activities. Sa ngayon wala pa namang inilabas na dengue outbreak ang Department of Health Eastern Visayas.

Muling paalala ng Department of Health na panatilihing malinis ang kapaligiran para hindi na tumaas pa ang dengue cases sa kabisayaan.