TACLOBAN CITY — Naagnas na ng matagpu-an ang isang hindi pa nakikilalang bangkay ng lalaki sa Barangay San Ricardo, bayan ng Babatngon, Leyte.
Nakasu-ot ng kulay orange na tshirt at navy blue na short ang biktima na may tattoo sa kanang parte ng binti na may nakasulat na “commando” at sa kanang dibdib naman nito ay may tattoo ng isang babae na may nakasulat na “adietas”.
Nakagapos ng packing tape ang mga kamay at paa nito, nakabalot rin ng packing tape ang mukha, may medyas sa loob ng bibig, at may placard na “Wag ako tularan adik ako, kaya ito ang inabot ko” sa tabi ng kanyang bangkay.
Ayon kay Police Senior Inspector Delfin Bardillon, hepe ng Babatngon PNP, na posibleng may koneksyon sa illegal na droga ang pagkamatay ng biktima.
Posible din umanong taga ibang lugar ang biktima na itinapon lamang doon dahil wala namang nairereport na missing sa kanilang bayan.
Sa ngayon ay patuloy pa ang ginagawang imbestigasyo ng mga kapulisan at inaalam ang pagkakakilanlan ng biktima.
Samantala, agad naman na ipinag utos ng Municipal Health Unit ng babatngon na ilibing na ang bangkay dahil ito ay nasa stage of decomposition na.