TACLOBAN CITY- Mahigit tatlong libo limang daan at labing pito ang natapos na Yolanda Permanent Housing’s mula Leyte, Samar at Biliran ang naipamahagi, na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ilang bahagi ng Eastern Visayas ang mayroon ng kompletong pabahay mula Culaba Leyte, Marabut Samar, Tabontabon Leyte, Tanuan Leyte, Julita, Dagami, Pastrana at Burauen Leyte.
Pasado alas 10 ng umaga ng dumaging ang Pangulo sa Brgy. Arado Leyte, Burauen Community College, na ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga bahay ay dinisinyo na matibay kung saan kaya ang malakas na hangin o lindol.
Nagpapasalamat naman ang mga benepersyaryo sa natanggap nilang bahay na ayon sa kanila malaki ang tulong dahil Ilan sa kanila ay nakatira malapit sa mga bahain.
Dumalo din ang ibang politiko tulad nila House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, Gov. Carlos Jericho Petilla at iba pang mga kilalang politiko.
Naging mahigpit naman ang seguridad na kung saan naka antabay ang mga kapulisan, kasundaluhan at ibang law enforcement mula sa pag pasok sa loob upang masigurado ang siguridad ng Pangulo at ng mga dumalo.