-- Advertisements --

TACLOBAN CITY– Nakapagtala ng humigit dalawang libo apat na raan at anim na put lima (2,465) ng HIV o Human Immunodeficiency Virus mula noong 1989 hanggang taong 2024 mula sa iba’t-ibat lugar sa Eastern Visayas.

Ayon kay Antonietta Diloy,Medical Technologist II HIV Program Coordinator ng Department of Health Region 8, nagsimulang maitala ang unang kaso noong 1989 na kung saan tuloy-tuloy itong tumataas sa mga sumunod na taon.

Mataas ang kaso ng HIV cases sa Leyte na mula 1989 hanggang 2024 ay nakapagtala ito ng 1,313 na sinundan naman ng ilang lugar sa Region 8.

Ayon sa Department of Health, pabata ng pabata ang tinatamaan ng sakit na karamihan ay ang pakikipagtalik sa kapwa lalaki. Umabot sa 2,300 mula sa mga lalaki at 165 naman sa mga babae.

Dagdag pa ng DOH Eastern Visayas, nagsasagawa naman sila ng mga programa gaya ng out reach prevention activities na makakatulong upang mas mabigyan ng mga kaalaman, kabilang dito ang ilang libring medisina at consultation sa kung papaano maiiwasan ang sakit at kung ano ang maari nitong maidulot buhay ng isang tao.

Sa unang sintomas ng HIV ay mararanasan ang mataas na lagnat, pamamawawis sa gabi, mouth ulcer, fatigue, sore throat, na tinatawag na Acute HIV Infection na magsisimula sa 2-4 linggo matapos mahawaaan ng virus, pero posibilidad parin na maging normal ito sa katawan gaya ng ibang sakit, tinatawag naman ang pangalawang stage na chronic HIV Infection kung saan dito walang mararanasan na sintomas ang isang tao.

Samantala ang Acquired immunodeficiency syndrome o AIDS ay ang huling stage na kung saan mararanasan ng isang tao ang pabalik-balik na lagnat, Pneumonia, sugar sa balat, pagtatae na aabot sa 1 o 2 linggo, pagbaba ng timbang at iba pa.

Nanawagan naman ang Department of Health na huwag gawing katatawanan ang pagkakaroon ng HIV, at ayon batas bawal din ang pagtangal ng Isang emplyedo sa trabaho dahil sa sakit na HIV.

Muling nagpapaalala ang Department of Health na lubhang delikado sa buhay ng Isang tao ang pagkakaroon ng HIV kaya nararapat lamang na maging maingat at gumamit ng mga protective sex gaya ng condom at lubricant.