-- Advertisements --

TACLOBAN CITY — Patay ang isang lotto outlet teller matapos na pagsasaksakin ng kanyang ka live-in partner ng dahil sa selos sa Brgy. San Joaquin, Palo, Leyte.

Nakilala ang biktima na si Rutchele Dacillo Campo, 23 taong gulang at residente ng nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon ng mga kapulisan, napag-alaman na nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at ang suspek na si James Baguio Alonzo bago niya pagsasaksakin ito.

Nadala pa ang biktima sa Leyte Provincial Hospital pero idineklara na itong dead on arrival.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Palo Police Station ang naturang suspek at nahaharap sa kasong murder.