-- Advertisements --

TACLOBAN CITY– Nakatakda nang ilibing bukas Hunyo 30, ang isa sa mga biktima ng mass shooting sa San Jose National High School.

Bukas nakatakdang ilibing si Chris Lorenz Fabian, habang sa Hulyo 1 at 2 naman ang libing nila Joyancee Separa at Ayessa Nicole Dazo.

Ayon kay Dr. Nilo Eder, Information Officer han DepEd Tacloban City Division, may ipapadala silang mga personnel para maging representante ng kanilang departamento sa libing ng mga biktima.

Samantala, nakalabas na ang ilang mga estudyante na nasugatan sa nangyaring pamamaril, habang ang naka-admit sa ICU ng Eastern Visayas Medical Center ay nailipat na sa private room at patuloy itong minomonitor.

Patuloy rin ang kanilang ginagawang Psychosocial Support sa lahat ng biktima magin sa mga naiwang magulang ng mga namatay na estudyante sa mass shooting dito sa Tacloban.