TACLOBAN CITY – Suspendido ang klase sa buong lebel sa Probinsya ng Southern Leyte bilang paghahanda sa pagpasok sa bansa ng Typhoon Mangkhut o may Local name Bagyong Ompong.
Ayon kay Southern Leyte Governor Christopherson Yap, na suspendido ang klase mula elementarya hanggang kolehiyo mula Setyembre 13-14
Dagdag pa ng naturang opisyal na kahit pa man na hindi direkta na maapektuhan ang Silangang Bisayas ng naturang bagyo ginawa ang naturang suspensyon bilang paghahanda sa posibleng epekto ng southwest moonsoon o ng habagat na papalakasin nang Bagyong si Ompong.
Maliban dito ay inatasan na rin ni Acting Governor Yap ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council na i-activate ang emergency operation center para masiguro ang kaligtasan ng lahat ng kaniyang nasasakupan.
“Natuto na tayo noong pagtama ng bagyong Yolanda kaya kahit hindi direkta na matatamaan ang southern Leyte we are preparing..I ordered activation of emergency operation center sa concerned agencies at may naka stand by din na relief goods sa DSWD”, ani ni Gov Yap.
Matatandaan na isa ang Southern Leyte sa naapektuhan matapos na tumama malakas na Supertyphoon Yolanda
Maliban sa Southern Leyte ay nagkansela rin ng klase sa Probinsya ng Biliran at siyudad ng Tacloban