-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Naitala ang magkakasunod na mahihinang lindol sa probinsya ng Leyte nitong nakalipas na madaling araw.

Una rito ay naramdaman ang tatlong magkakasunod na lindol sa Jaro, Leyte kung saan naitala bandang alas-12:47 ng madaling araw na rumihistro sa 3.1 magnitude na lindol.

Magkasunod din ang magnitude 3.5 at 2.5 dakong ala-1:00 ng madaling araw.

Samantala meron ding mahinang pagyanig na naitala kaninang alas-2:00 ng madaling araw na nasa magnitude 2.5 na lindol sa Babatngon, Leyte at nasa 2.7 naman sa bahagi ng Barugo, Leyte.

Pawang mga tectonic ang origin ng bahagyang mga pagyanig kaya wala rin namang inaasahang mga pinsala ang Phivolcs.