-- Advertisements --

TACLOBAN CITY– Nakagapos at naliligo sa sariling dugo ang tatlong kalalakihan, matapos itong itapon sa ilalim ng tulay sa Sogod, Southern Leyte.

Ayon kay PMaj. Alfred Reynald Dauz, Chief of Police Sogod Municipal Police Station, ilang concerned citizen ang nag bigay alam sa kanila, at sa salaysay ng nakakita sa mga bangkay, kukunin sana nila ang nakasabit na plastic sa may tulay para lagyan ng kopra, at gayon nalang ang kanilang pagkabigla ng makitang may dugo ang nasabi nga plastic, at ng tumingin ang mga ito sa ibaba ay nakita nila ang mga bangkay nga mga biktima.

Napag-alaman na ang tatlong biktima ay magpipinsan.

Ayon sa ginawang imbestigasyon, sugat-sugat at bali-bali ang buto ng mga biktima, habang nakatali ang mga kamay nito sa likod at gayundin ang mga binti nito.

Napag-aalaman, nawawala mga ito noong nakaraang Martes, at natagpuan nalang itong wala ng buhay noong Miyerkules ng hapon.

Agad naman ang mga itong nakilala, sa pamamagitan ng mga kamag-anak nito na nag-claim, matapos makita ang ilang post sa social media.

Sa ngayon isina-ilalim ang mga ito sa autopsiya, para makatulong sa gagawing imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.

Patuloy rin ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa lahat ng angulo, para matukoy ng mga ito ang totoong motibo sa pangyayari.