TACLOBAN– Arestado ang dalawang lalaking nagpangap na mga uniformed personnel matapos itong manghold-up sa isang Pawnshop sa Ormoc City.
Kinilala ang mga ito kay “Johnny”, 22-taong gulang, at residente ng Argao, Cebu City ang kasama naman nito na si”Vin”, 37-gulang at-taga Pagadian City, Zamboanga del Sur.
Ayon kay Ormoc City Police Station 1, Officer-In-Charge, Police Captain Flora Mae Molina, ang dalawang suspek ay nagpanggap na mga pulis, kung saan maydala rin ang mga ito na calibre .45 na baril at may 8 live ammunitions, at isang spare magazine na may laman naman na 7 bala kasama na din ang Yamaha motorcycle na ginmit ng mga ito bilang getaway vehicle.
Sa imbestigasyon ng mga kapulisan, nakasuot ang isa sa mga suspek ng uniporme ng pulis, habang ang isa naman ay naka sibilyan.
Sa nasabing panngyayari, agad na humingi ng tulong ang clerk ng pawnshop sa mga kapulisan, kung saan agad namang rumesponde ang mga kapulisan ng Ormoc, at doon naaresto ang dalawang nagpapangap na pulis.
Sa ngayon mahaharap ang dalawa sa kasong attempted robbery, llegal Possession of Firearms ngan Usurpation of Authority Under Article 177 of the Revised Penal Code, dahil sa pagpapakilala nito bilang isang uniformed personnel.