-- Advertisements --

TACLOBAN, CITY – Nasa P8.0 3-B na ang naibayad ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth dito sa Eastern Visayas para sa Yakap program.

Ayon kay Miramar P. Zabala – Head of Public Affairs Unit PhilHealth Region 8, ito ang kabuuang datos ang nabayaran na ng PhilHealth noong Nobyembre 2025.

Ang Yakap program ay kilala bilang bagong programa ng Gobyerno kung saan ang layunin nito ay magbigay ng medical na tulong sa Pilipino. Ito’y naglalaman ng 75 mahahalagang gamot, na maaaring gamitin ng mga Pilipino.

Una rito, sinabi ng PhilHealth na karamihan sa mga naitalang Yakap Members ay mula sa Tacloban, na kung saan isa sa may pinakamaraming ospital at klinika sa Eastern Visayas.

May kabuuang 136 Accredited partners ang bahagi ng Yakap program ng PhilHealth sa Region 8 kung saan tumaas pa ito kumpara noong nakaraang taon.

Ang 8.03 bilyon ay posibleng tumaas pa ngayong taon dahil din sa patuloy na pag taas ng bilang ng mga Miyembro ng Yakap.

Inaasahan ng PhilHealth na mas marami ang magpaparehistro at posibleng umabot sa 9 bilyong piso.

Dagdag pa ni Zabala na bago mag-avail ng programa, kailangang monang maging miyembro bago kumonsulta at tumanggap ng tulong na medikal.

Ang dapat lamang gawin ay siguraduhing miyembro ng PhilHealth at e-download ang egov. ph na app na makikita sa inyong playstore o di kaya pumunta sa may pinakamalapit na PhilHealth Office.