TACLOBAN CITY– Nagkaroon ng engkwentro ang 3rd Infantry Battalion laban sa mga Communist-Terrorist Groups (CTG) sa Barangay Cagtoto-og, San Jorge Samar.
Ayon kay Cpt. Christopher Tataro Division Public Office 8ID Philippine Army, nakasagupa nila ang Communist-Terrorist Groups (CTG), habang nagsasagawa ng security patrol sa paligid ng nasabing barangay, nang bigla silang makarinig ng putok ng baril, at agad nilang tningnan ang pinanggalingan upang matiyak ang kaligtasan ng komunidad.
Pagdating nila sa lugar kung saan nagmula ang putok ay nadatnan nila ang 5 miyembro ng CTG, kung saan agad silang nagkaroon ng palitan ng putok.
Sa gitna ng engkwentro, tumakas ang limang hinihinalaang CTG kung saan naiwan ng mga ito ang kanilang mga armas.
Narekober din ng mga sundalo ang ilang matataas na kalibre ng baril, at mahahalagang dokumento.
Wala namang nasugatan o nasawi sa panig ng kasundaluhan at agad na nagsagawa ng pursuit operations, upang matukoy ang lugar kung saan tumakas ang CTG, at maiwasan ang kanilang pag-uudyok sa publiko na sumama sa kanila.
Sa ngayon, patuloy ang security operation ng militar, para masiguro ang kaligtasan ng mga residente sa nasabing lugar at gayundin ang karatig barangay.










