-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Patay ang isang sundalo matapos na magkaengkwentro ang mga ito at ang rebeldeng grupo sa Sitio Canayan, Brgy San Juan, Mahaplag, Leyte.

Mapapag-alaman na banda alas 5:55 kahapon ng makaengkwentro ng 78TH IB ang aabot sa 7 pinaniniwalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa naturang lugar.

Kinilala ang namatay na si Corporal Jose Pascual Saycon Jr samantala hindi pa malaman kung ilan ang casualties mula sa kampo ng mga rebeldeng grupo.
Umabot naman sa 25 minuto ang naging palitan ng putok na kung saan tumakas papunta sa direksyon ng Barangay Maligaya, Mahaplag, Leyte.

Sa ngayon ay patuloy ang pagsagawa ng hot pursuit operation ng mga otoridad laban sa naturang mga rebeldeng grupo.