TACLOBAN CITY – Narelieve sa pwesto ang Warden ng Tacloban City District Jail matapos ang makuha ng mga operatiba ng PDEA ang aabot sa 11 ka sachet na shabu sa isinagawang greyhound operation sa loob ng Bureau of Jail Management and Penology-8.
Ayon kay BJMP-8 regional director na si Senior Supt. Efren Nemeño, na nagisyu ito ng relief order laban kay Superintendent Benedicto Catodio, warden ng Tacloban City District Jail dahil sa nakuhang mga Kontrabando at Shabu ng Philippine Drug Enforcemnet Agency (PDEA-8)
Nangyari ang nasabing insidente matapos na magsagawa ng Surprise inspection ang PDEA at BJMP sa mga selda matapos makatanggap ng mga reports ukol sa laganap na bentaha ng Illegal na droga sa loob ng Kulungan.
Samantala, dalawang araw bag-o ang relief order kay Catodio ay tatlong mga jail personnel din ang tinanggal sa pwesto sa Eastern Visayas dahil sa di umano pagkonsente sa pagbenta ng Iligal na droga.
Ayon pa kay JSSupt Nemeño, na sa ngayon ay nasa 10 mga BJMP personnel ang iniimbestigahan mula sa pagkakasangkot nito sa Iligal na droga.