TACLOBAN CITY – Pinuri ng mga biktima ng lindol sa Leyte ang simpleng pagbisita ni Vice Presidente Leni Robredo.
Ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) Officer 3 Manuel Garduque ng Kananga, Leyte na sobrang simple lang ang pagbisita ng bise presidente sa kanilang lugar dahil pinuntahan at kinumusta mismo nito ang mga evacuees sa mga tent areas partikular sa Barangay Rizal ng nasabing bayan.
Dagdag pa ni Garduque, na labas lang sa pakipagdayalogo, nangako naman si Robredo na magbigay ng materyales para sa pagpapatayo ng temporary shelters.
Napag-alaman na hindi gumamit ng sariling sasakyan ang bise presidente sa pagpunta nito sa Leyte.
Matatandaan na binayo ng 6.5 magnitude na lindol ang probinsya ng Leyte sa nakaraang Hulyo 6.
Nag-iwan ito ng tatlong patay, daan-daang sugatan at mahigit3,000 pamilya na nasiraan ng bahay.