-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Biglang pagbaba ng presyo ng kamatis sa Eastern Visayas dahil sa subra subrang suplay nito.

Ayon sa isinigawang price monitoring ng Department of Agriculture nakita nila ang pagbaba ng presyo ng kamatis, matapos magkaroon ng subra subrang suplay na pinagkukunan nito.

Matatandaan noong 2024 pumalo ito ng 180 hanggang 200 ang kilo, rason na pag alma ng ilang mamili, na ngayon ay nasa 40 hanggang 30 ang kilo nito at may mga naitala din na halos 4 pesos ang kilo gaya nalang sa Bongabon, Nueva Ecija.

Ayon naman kay Dioscoro Gasatan Jr. – Senior Agriculturist DA-RFO VIII, isa sa nakita nilang rason ng pagbaba ng presyo ng kamatis ay dahil sa maraming suplay nito mula labas at loob ng rehiyon.

Isa sa mga nakausap ng Bombo Radyo Tacloban ang vendor na si Jocelyn Ocaña na ayon sa kaniya maging sila walang magawa kundi ibenta ng mababa at kung minsan daw ay bumababa pa ang presyo nito kapag malapit na itong mabulok.

Ayon sa Department of Agriculture Region 8, patuloy daw nilang ginagawa ang lahat para mapababa ang presyo ng ilang bilihin at matulungan ang mga magsasaka sa kanilang mga inaani tulad nalang ng Kadiwa Program.

Sa ngayon nanatiling mababa ang presyo ng ilang bilihin gaya ng kamatis ngayong pagtatapos ng marso, pero ilang mamili ay umaasa parin na baba ang presyo nito sa mga susunod buwan.