-- Advertisements --

TACLOBAN CITY– Patuloy ang pagsidatingan ng mga delegasyon at atleta sa Maasin City, para sa kanilang pangalawang venue kung saan magpapatuloy ang EVRAA 2025 competitions.

Una rito, matagumpay na natapos ang unang round ng prestihiyosong kompetisyon sa Dolores Eastern Samar, at isa itong masaya at makabuluhang karanasan para sa lahat ng delegasyon.

Ayon sa Caretaker, Southern Leyte Police Provincial Office/ Current Chief Regional Investigation Division, Police Regional Office 8, PCOL. Raymund Gravales, mahigit 1,713 kalahok ang kasalukuyang nasa Maasin City para lumahok sa kompetisyon.

Sa nasabing bilang, 243 kalahok ay mula sa Eastern Samar, 213 mula sa Catbalogan Samar, 392 mula sa Samar Division, 278 mula sa Borongan City, 290 mula sa Baybay City, 237 mula sa Leyte, at 60 mula sa Calbayog City.

Sa ngayon, hinihintay pa nila ang delegasyon ng Ormoc City, Northern Samar, Biliran, at ng mga opisyal ng kada -division.

Inaasahan nilang may kabuuang 4,029 delegado ang dadalo sa Maasin City para sa nasabing kompetisyon.

Ibinahagi nito, na noong nakaraang Lunes pa nagsidatingan ang ilang mga atleta at ilang delegasyon kung saan naroroon sila ngayon sa kanilang mga billeting area, na binabantayan ng mga opisyal ng barangay at pulisya.

Sa usapin ng seguridad, tiniyak ni Gravales na maayos at mahigpit ang kanilang isinasagawang surveillance sa lugar kung saan gaganapin ang mga kompetisyon.

Nakikipag-ugnayan sila sa mga pinuno ng bawat billeting area, na iwasan ang paglabas-pasok nga mga atleta sa kanilang areas, upang maiwasan ang mga hindi inaasahang insidente.

Sa ngayon mayroong kabuo-ang 370 na binubuo, ngan PNP, PCG, ARMY, CDRRMC, LGU personnel, at mga Barangay officials, na magbabantay sa mga lugar na ito upang matiyak ang seguridad at kaligtasan ng bawat indibidwal hanggang sa matapos ang EVRAA 2025.