-- Advertisements --

TACLOBAN -Inalis ng Northern Samar Police Provincial Office ang hepe ng Lavezares dahil sa paggamit at pagpaputok ng issued firearms sa isang banca race sa nasabing lugar.

Ayon kay PCPT. Mean Erivera, Information Officer Northern Samar Provincial Office may isinasagawang Bugsayan o Bankaton Festival at Motorized Banca Race sa Lavezares dahil sa ipinagdiring ng municipalidad ang kanilang kapiyestahan

Ang nasabing Police na nag paputok ay si alyas Joseph na may rango na Police Master Sergeant, dagdag pa ni PCPT. Erivera nakatagala umano ang police sa nasabing laro upang pangunahan ito

Naiulat umano na gumamit ang nasabing Police ng inisyong M16 rifle upang maging hudyat ng pagsisimula ng laro,

Ipinaputok ito sa harap ng dagat, ngunit ang ginamit umanong bala ay blangko, wala namang naiulat na nasaktan sa pangyayari at naging mapayapa naman umano ang laro kung saan umani ito ng iba’t-ibang reaktion sa publiko.

Pero, kinondena parin ito ng Northern Samar Police Provincial Office dahil posibli parin umano ito mag dulot ng kapamahakan sa publiko

Inalis pansamantala ang nasabing Police at kasama ang Hepe ng Lavezares at sa ngayon ay nasa Provincial Personnel Holding and Accounting Unit at kapag napatunayan na guilty ay automatikong dismissal o demotion ayun sa Napolcol Memorandum Circular 2016-002

Tiniyak naman ng Northern Samar Provincial Office na sisiguraduhing patas ang batas at ligtas ang publiko.