TACLOBAN CITY – Ang Civil Service Commission Region 8 muling pinaalalahanan ang mga gov. employees na umiwas sa gambling.
Ito’y matapos umamin ang ilang government employees ng DPWH na may ilan sa kanila ay pumasok sa mga Casino
Kaya mahigpit na ipinaalala ng Civil Service Commission Region 8 ang ilang government agencies sa lahat ng kawani ng gobyerno na umiwas sa online gambling at land-based casino
Ito’y batay sa Employment Law and Regulatory Compliance: Online Casino Particapation for Government Employees na kung saan mahigpit na nakasaad sa, Presidential Degree No. 1602 & Other Criminal Statutes Against Illegal Gambling,
Ayon kay Regional Director IV Region VIII Atty. Mariliyn E. Taldo – Civil Service Commission, ang sino mang mapatunayan na guilty na government employee ay maaring humarap sa criminal liability sa ilalim ng PD 1602.
Kaya mahigpit na binawalan ang lahat ng kawani ng gobyerno sa loob ng office hours na pumasok, tumira at mag laro, lalo na kapag hindi ito awtorisado ng PAGCOR.
Dagdag ni Taldo, wala naman umanong government employees sa Eastern Visayas ang nahuli o nag laro sa kanilang trabaho.
Pero, sa maaari naman daw mag sumbong sa kanilang departamento maari naman daw mag mensahe o pumunta sa kanilang opisina kalakip ng mga ebidensya upang siyasatin at mapanagot ang nasabing lingkod bayan. (via Bombo Jake Paguipo)