TACLOBAN CITY — Patay ang alkalde ng Calbayog City Samar na si Mayor Ronaldo Aquino at 2 bodyguards nito sa nangyaring pang ambush sa Laboyao Bridge, Brgy Lonoy, Calbayog City.
Batay sa inisyal na imbestigasyon na sakay ng kanyang Toyota hi-ace van ang naturang alkalde ng paulanan ito ng bala ng mga suspek na sakay ng dalawang sasakyan.
Nagkapag return fire pa ang kampo ng alkalde na nagresulta naman ng pagsawi ng isa sa mga suspek.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga kapulisan sa naturang insidente.