TACLOBAN CITY– Magpapatupad nang mahigpit na pagbabantay ang tacloban pnp sa lahat ng polling centers sa tacloban city ngayong darating na halalan.
Batay sa Tacloban City Police, bago paman mag simula ang election period naka bantay na umano sila sa lahat ng lugar kung saan ilalagay ang mga Automated Counting Machine o ACM.
Ayon kay Tacloban City Police Office, City Director, PCOL. Noelito, Getigan, nakabantay din sila sa mga checkpoint areas upang mabantayan ang sino mang magpapasok ng armas, alinsunod narin sa ipinatutupad na gun bun na nag simula pa noong enero 12 at matatapos sa hunyo 11 taong kasalukuyan.
Ang sino mang mahuhuli na magpupuslit, ay mahaharap sa pinalidad na isa hanggang anim na taong pagkakakulong, pagdiskwalipika sa pampublikong opisina, at maaring pagkawala ng karapatang makaboto.
Kasama din sa binabantayan ng pnp tacloban ang pagdadala ng malaking pera na aabot sa 500,000 kung saan itoy ipingababawal upang maiwasan umano ang vote buying at vote selling.
Samantala, na sa 95 porsiyento ng kapulisan ang ididiploy sa Tacloban ngayong election period.
Nakikiusap naman ang Tacloban Police, na sumunod ang lahat sa mga ipinapairal na batas ngayong eleksyon period upang masiguro ang mapayapang halalan.