-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Naglunsad ang Tacloban City Agriculturist Office katuwang ang TESDA, ng scholarship program sa agrikultura para sa kabataan, magsasaka, at mangingisda.

Kabilang dito ang National Certificate II (NC II) on Organic Agriculture, 29-araw na intensive training na may ₱160 daily allowance.
Pagkatapos ng training, magiging kompetenteng sertipikadong practitioner sa organic agriculture ang mga bulig hine.

Bukas ang programa sa lahat ng Taclobanon, mula sa elementary at high school level hanggang college graduates, pati na sa mga anak ng magsasaka at mangingisda.

Kailangan lamang mag-enroll sa Office of the City Agriculturist at magpakita ng valid ID at 2×2 o passport photo.

Noong 2024, umabot sa 25 scholars kada batch na may apat na batch, kabilang ang 57 dating rebelde at mga Persons Deprived of Liberty (PDLs), na lumahok din sa National Urban at Peri-Urban Agriculture Program.

Ang lahat ng aplikante ay dapat rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) upang makakuha ng tulong mula sa gobyerno.

Ibinahagi rin na ang ilang graduates ng programa ay nagkaroon ng pagkakataong makapagtrabaho sa ibang bansa gaya ng Canada, Singapore, Malaysia, at Israel.
Sa sandaling maging matagumpay ang mga ito, may pagkakataon ding makasunod ang kanilang pamilya, at sa ilang bansa ay libre pang napag-aaral ng pamahalaan ang mga anak basta’t may kaugnayan sa agrikultura ang kanilang larangan.

Gayunman, binigyang-diin na prayoridad pa rin ang paggamit ng kasanayang natutunan para sa kaunlaran ng agrikultura sa Pilipinas lalo na’t ang pamahalaan ang gumastos sa kanilang pagsasanay.