TACLOBAN CITY– Patuloy na isinusulong ni Sen. Robinhood Padilla ang pag-amyenda ng Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 ng Republic Act No. 9344.
Ayon kay Sen. Padilla, hindi naman buong batas ang babaguhin, ang punto lang niya ay amyendahan ito, at mas pababain pa ang edad ng mga menor de edad na pwedeng managot sa batas.
Biro nito, wala siyang planong baguhin ang batas at baka magalit si Sen. Kiko Pangilinan.
Mapapag-alaman na ang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 (Republic Act No. 9344), ay na-amyendahan sa pamamagitan ng RA No. 10630, kun saan binibigyan ng restorative justice and rehabilitation ang mga kabataan na nagkasala sa batas, para maitama ang kanilang pananaw ukol sa mga bagay na hindi normal na gawain ng isang bata.
Nakasulat din sa batas na ito, na ang batang may edad na 15 pababa ay walang kakaharapin na criminal liability, hindi sila makukulong, pero ipapasailalim ang mga ito sa residential intervention programs sa pangunguna ng mga local social welfare authorities.
Nakasaad din sa nasabing Juvenile Justice Act na ang 18 pababa na age bracket ay walang kakaharaping criminal liability hanggat itoy hindi napapatunayang guilty, o ginawa ang krimen with discernment.
Samantala kung hindi mapaparusahan ang mga Children in Conflict with the Law, dahil sa kanilang murang edad, mayroon namang kakaharapin ang mga magulang nito sa ilalim ng civil liability, kung saan sila ang magiging responsable at haharap sa ginawang pagkakamali ng kanilang anak.
Binigyan diin ng Senador, na kung hindi mapapagbigyan ang kanyang hiling na 10 taong gulang, ay pwe-pwede na yung 12 taong gulang na age bracket para sa mga or Children in Conflict with the Law.
Binigyan linaw nito, na hindi niya intensyon na parusahan ang mga bata, bagkus ay itama ang kanilang pagkakamali,at itama ang kanilang pananaw sa Juvenile Justice Act.











