TACLOBAN CITY – Pinangunahan ni Secretary Hans Leo Cacdac ang programang Likhang Marino Business Plan Competition para sa mga seafarers na OFW na gaganapin dito sa Tacloban City.
Ang nasabing programa ng Department of Migrant Workers kasama ang National Maritime Polytechnic ay para sa mga seafarers na OFWs na nag lingkod sa bayan upang tumulong sa pagpapalago ng ekonomiya ng Pilipinas.
Sa exclusibong panayam ng Bombo Radyo Tacloban kay Secretary Cacdac ng Department of Migrant Workers, ito’y ayun sa mandato ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mabigyan umano ng kabuhayan ang mga marino na hindi lamang paglilingkod sa bansa, kundi maging sa kanilang pag uwi ay magkaroon ng hanapbuhay para sa kanilang pamilya.
Kabilang sa kompetisyon ang pagbibigay ng business plan, gaya fish farming, na kung saan umabot sa 200 ang sumali na marino sa buong bansa at ngayong araw ang awards night na gaganapin sa Tacloban City.
Aabot naman sa 500K ang makukuhang award money sa kompeisyon, samantala an natitirang 12 finalist naman ay makakatangap ng 100K na award money.
Tumungo muna si Secretary Cacdac sa Regional Office 8 ng National Maritime Polytechnic upang tignan ang mga facility na kaylangan ayusin.
Dagdag pa ni Sec. Cacdac, humihingi sila dagdag na pundo kung saan aabot na ito sa 10.2 Billion Pesos na pinaka unang double digits na pagtaas ng kanilang pundo, na para umano sa mga proyekto kabilang ang pagpapalakas ng kanilang departamento at kaligtasan ng mga OFWs. (via Bombo Jake Paguipo)











