TACLOBAN CITY| Mariing tinututulan at nais ipatigil ng isang grupo sa Tacloban City ang paggawa ng Tacloban City Causeway Project dahil maliban sa pagkukunan ito ng korapsyon, makakasira daw ito ng marine life sa Kankabato Bay.
Matapos ang isinagawang pag inspeksyon ng Philippine Anti-corruption czar sa ginagawang Tacloban City Causeway Project na kung saan, nalaman nila na ito ay delay na mula sa target completion noong December 23, 2024 mula ng mag umpisa ito noong February 27, 2023 ay naniniwala ang save kankabatok advocacy group na hindi raw yan ang dapat na intindihin ng pacc bagkos, ang posibleng maging epekto ng nasabing proyekto sa marine life ng Kancabato bay.
Ayon pa sa grupo na hinihingan nila ng environmental impact assessment at environmental compliance certificate ang Department of Public Works and Highways region 8 na importanteng mga dokumento para sa approval at implementation ng napakalaking proyekto ngunit wala raw itong maipakita.
Sa pakikipagpanayam ng bombo radyo tacloban kay Danika Astilla, Social Science Researcher and University of the Philippines Open University Doctor of Sustainability, wala dapat usapin ng delay kasi hindi raw dapat ito nangyari sa una palang dahil sa magiging masamang epekto ng proyekto sa nasabing bay.
May mga eksperto narin daw na nagsagawa ng pag aaral sa magiging epekto nito ngunit hindi raw tinatanggap ang mga ito.
Tinabla rin nila ang isang rason ng pagtatayo ng proyekto na pananggala sa storm surge dahil di umano ang taas ng causeway ay mababa kaysa sa naitalang taas ng alon na tumama sa lungsod.
Binigyang diin pa nito na hindi sila kontra sa development, pero sa tamang paraan.
Handa naman ang mga ito na makipagtulungan sa pacc sa pag iimbestiga upang malaman ang katotoohan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga dokumento at totoong impormasyon.
Ang nasabing proyekto ay isa sa mga projects ni former House Speaker at Leyte 1st District Representative Martin Romualdez na may budget na p4.59 billion pesos na kung saan ang implementor nito ay ang DPWH region 8 at nakakontrata naman sa Sunwest Inc. ni Ako Bicol Partylist Representative Elizaldy Co na former Chairman naman ng Committee on Appropriations sa House of Representatives.
Layunin ng proyekto na magkaroon ng alternatibong daanan na magpapabilis sa byahe mula sa downtown area papunta naman sa Tacloban DZR Airport na tatawid sa gitna ng cancabato bay na kung saan, ito ay idineklarang protected area.
Kung matatandaan, una nang sinabi ni DPWH region 8 Regional Director Edgar Tabacon na ang vision nila ay hindi lang makapagpatayo ng imprastraktura, dapat daw na makakakuha ito ng mga turista at investments sa lungsod.
Hindi masama ang development sa isang lugar, ngunit hindi rin dapat natin isakripisyo ang ating kalikasan. (via Bombo Max Monteza)