TACLOBAN CITY- Inaabangan ng mga taga Eastern Bisayas ang magiging bakbakan nila Manny Pacquiao at Jeff Horn ngayong araw.
Ayon sa ilang boxing fans na sobra na itong excited na masaksihan ang magiging performance ni Pacquiao laban kay Australian boxer na si Jeff Jorn kung saan umaasa ang mga ito na mananalo ang Pambansang Kamao.
Matatandaan na parehong nakapasok sa welterweight limit ang dalawa kung saan may timbang si Pacquiao ng 146 pounds, samantala si Jeff Horn ay may 147 pounds.
Tinaguriang “Battle of Brisbane” ang laban ng dalawa kung saan gagawin sa Suncorp Stadium sa Brisbane, Australia.
Samantala, inaasahan naman ang pustahan ng ilang taga Rehiyon 8 na dedepende naman sa kung sino ang mananalo sa dalawang manok.