-- Advertisements --

TACLOBAN CITY– Patay ang isang pulis, ng aksidente itong mahulog sa irigasyon ng National Irrigation Administration (NIA) sa Brgy. Camansi, Mayorga, Leyte.

Ayon kay Mayorga Municipal Police Station Chief of Police, PMAJ. Antonio Angcay Jr. na rescue ang pulis, dahil sa concern citizen, at pagrespondi ng mga barangay opisyal.

Dagdag pa ni Angcay, na sa kanilang inisyal na imbestigasyon, pinaghihinalaang nahulog ang biktima sa irigasyon, at naipit ito ng kanyang motor, at nabagok ang ulo, na siyang dahilan ng agarang pagkamatay nito.

Napag-alaman na pauwi na ito galing duty, ng aksidenting mahulog sa irigasyon.

Dinala pa sa pinakamalapit na ospital ang biktima, pero ideneklara itong dead on arrival.

Wala namang nakikitang foul play ang mga otoridad sa nasabing pangyayari.