TACLOBAN CITY – Mahigpit na babantayan ng Department of Agriculture region 8, ang pampresyuhan ng mga produkto dahil sa epekto ng pagsasa-ayos ng San Juanico Bridge.
Tumataas na bilihin ang siyang prinoproblema ng ilang pilipino sa Eastern Visayas
Noong nag patupad ng load limit ang Department of Public Works and Highways kaugnay sa pagrupok ng San Juanico Bridge
Dalawang araw lamang na iyon ang siya namang biglaang pagtaas ng mga bilihin sa merkado sa iba’t ibang parti ng Eastern Visayas.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, bumaba umano ang inflation rate sa region 8 na mayroong 0.4% nitong Mayo kumpara nong Abril na 0.6%, kung saan food and non-alcoholic beverages ang malaki ang naibaba ngayong taon.
Dagdag nito, sa buong rehiyon sa pilipinas nasa ika 5 pwesto ang eastern visayas sa pinakamababa na inflation rate
Pero, nakapagtataka parin umano ito dahil mataas parin ang bilihin ng mga produkto kung susubukan ng Ilang ahensiya sa gobyerno na alamin at mamili, ayon sa hinaing ng mga pilipino sa Eastern Visayas.
Kaya magsasagawa ng puspusang price monitoring ang Department of Agriculture upang masigurado na hindi aabuso ang mga supplier o middleman o kahit ang mga nagtitinda sa mga merkado sa kanilang presyohan.
Ayon kay Francisco Rosaroso – Division Chief Department of Agriculture region 8, hindi lamang daw presyo ang kanilang babantayan pati narin ang siguridad at kalidad ng mga agriculture product’s upang maiwasan ang mga sakit na maaring maidulot sa katawan mula sa mga ipinapasok na produkto sa Leyte at Samar.