TACLOBAN CITY– Pinangunahan ni President Ferndinand “Bongbong” Marcos Jr., ang pagbibigay sa mga benepisyayro ng Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolks, sa Leyte Academic Center Palo Leyte.
Ang nasabing mga benepisyaro ay ang naapektuhan ng El Nino noong nakaraang buwan.
Aabot naman sa 702, ang mga benepisyaryo na galing sa probinsya ng Leyte, 386 sa Biliran at 31 naman sa Southern Leyte, kung saan an lahat ng mga ito ay nakatanggap ng tig-P10,000 cash.
Sa isang dako bumisita rin si Pangulong Marcos Jr, sa Calbayog City Samar, sa kapareho ring aktibidad kung saan aabot sa 6,508 sa Samar, 930, Eastern Samar, at 1,599 sa Northern Samar, ang lahat ng mga ito ay nakatangap din ng tig- P10,000.00 cash.
Binigyan diin namna ng Pangulo dito sa Palo Leyte, ang pagpapalakas ng infrastructure project ng gobyerno partikular na sa Eastern Visayas.
Isa na dito ang proyekto sa Tacloban Airport, kung saan mayroon itong pondo na aabot sa P2,57B, at inaasahan na sa taong 2026 matatapos ang nasabing renovation ng airport.
Kasama rin sa binigyan diin ng Presidente, ang ongoing contruction sa Tacloban ang City Causeway, kung saan mayroon iton P4.59B, at ito naman ay ina-asahan na mas magigin madali ang takbo ng trapiko papuntang paliparan, kung saan ina-asahan itong matatapos sa buwan nga Disyembre 2024.
Nanawagan naman ang punong ehekutibo sa publiko, na makipag-tulungan at magkaroon ng koneksyon para sa ika-uunlad nga Pilipinas.