-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Siniguro ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) region 8, nga magiging sapat an tulong na ipapamigay ha mga nadaanan ng shearline.

Sa naging assestment ng Office of the Civil Defense Eastern Visayas, umabot sa 20,734 pamilya o 72 thousand individuals, ang apektado sa malawakang pagbaha, kung saan nagpatupad ng kanselasyon ng klase at trabaho ang humigit kumulang 110 na mga LGUs sa rehiyon.

Kabilang sa mga lugar na nalubog sa tubig-baha ay ang lugar ng Jipapad Eastern Samar, na halos lampas tao ang tubig, at 5 beses na itong na-eksperyensyhan mula ng magsimula ang taon.

May ilang lugar naman ang nakaranas nga paguho han lupa at pagkawasak nga tahanan kagaya nalamang sa La Paz Leyte.

Hindi naman ina-asahan ng ilang residente, na magiging malawak ang pagbaha, kung saan ngayon lang nila ito naranasan.

Nagsasagawa naman ng pamamahagi ang DSWD, ng mga family food packs at non-food items sa mga naapektuhan ng baha sa halos 121 na barangays sa rehiyon.

Wala namang nai-ulat na nawawala o namatay sa nasabing pagbaha, na ngayon ay patuloy pa na-nararanasan an pag-ulan sa ibang parti ng Eastern Visayas.