-- Advertisements --

TACLOBAN CITY– Patuloy na ini-imbestigahan ng Mines and Geoscience Bureau (MGB) regional office 8, ang mga reklamong idinudulog sa kanilang opisina, kaugnay sa mga pagmimina at pagpuputol ng mga punong kahoy na walang permiso.

Ayon kay Gleen Marcelo Noble, Regional Director Mines and Geoscience Bureau Regional Office Vlll, sa ngayon mayroong naka reshistro na mining corporation sa kanilang opisina na kanilang minomonitor, ang mga ito ay ang Emir Mineral Resources Corporation (EMRC),Chromite King Inc. at Nickelace Inc. mining corporation.

Ayon kay Noble, isa sa kanilang prenoproseso ngayon ang reklamo ng ilang residente na ang Emir Mineral Resources Corporation ay namutol nga punong kahoy na walang permiso sa area 14, sa barangay Casuguran Homonhon Island, Guiuan Eastern Samar.

Ayon kay Carmi Macapagao, President Homonhon Environmental Advocates and Rights Defenders, namumutol ng punong kahoy ang nasabing kompaniya sa are 14 kung saan sa kanilang ginawang pagbisita sa opisina ay wala itong naipakitang permiso na magsagawa ng nasabing clearing operation.

Dagdag ni Macapagao, nababahala sila dahil ang area 14 ang siyang pinagkukunan nila ng tubig sa nasabing barangay.

Sa ngayon nagpadala na ang MGB ng kanyang tauhan at nakipag-coordinate na sila sa DENR at CENRO Borongan, para pangasiwaan ang nasabing reklamo, at sa mga susunod na araw ay maipapalabas na ang resulta ng imbestigasyon dahil hindi naman silang basta-basta mag papalabas o mag-iisue ng order kung hindi ito dumadaan sa due process.

Mapapag-alaman na ang Emir Mineral Resources Corporation ay nagkaroon ng permiso to operate sa Homonhon Island noong nakaraang 2024.