TACLOBAN CITY – Pinuna ng isang overseas filipino workers (OFW) na nasa qatar sa Krisis ng bansa bunsod sa pagputol ng diplomatic ties ng ilang Middle East countries.
Ayon kay Nadia Salyaw, Corporate Employee sa Doha Qatar, na Nananatiling normal pa naman ang sitwasyon ng Qatar at sadyang ‘Over Acting’ lang ang ibang mga balita.
Binigyan diin pa nito na ‘Business as usual’ ang sitwasyon sa nasabing lugar.
Nilinaw din niya na walang nangyayaring panic buying sa Qatar at normal lang daw talaga sa mga bansang Arabo na marami ang pinamimili kapag nag go-grocery.
Bahagi ng pahayag ni Nadia Salyaw, OFW – Corporate Employee sa Doha Qatar
Paglinaw pa nito na hindi pa ganun kalala ang sitwasyon sa Qatar lalo pa at ilang araw palang ng kumalas sa diplomatic ties ang pitong Middle East Countries.
Umaasa naman ang mga OFW sa Qatar na maaayos sa lalong madaling panahon ang presenteng nagyayari sa naturang bansa at hindi na humantong sa malalang sitwasyon.