TACLOBAN CITY – Pahirapan ngayon an ilang commuters at drivers dahil sa pagbabawal na pagdaan ng ilang sasakyan na mabibigat sa San Juanico Bridge.
Ilang commuters mula Manila, Samar at Leyte ang apektado ngayon sa byahe nang mag magpalabas ng public advisory and Department of Public Works and Highways o DPHW region 8 nitong May 15, 2025 kaugnay sa pagbabawal na dumaan ang mga may mabibigat na dala gaya ng truck sa San Juanico Bridge
Pinapayagan lamang nila na dumaan ang mayroong 3 metric tons o bigat na sasakyan, at para naman sa lalagpas nito ay mahigpit na ipinag babawal ng DPWH para sa kaligtasan umano ng bawat isa
Ayon sa DPWH may nakitaan sila na sira sa San Juanico Bridge batay sa isinigawang assessment at sa memorandum na inilabas nito lamang May 8, 2025 mula kay Secretary Manuel Bonoan, kung saan ang naturang tulay ay nag dudugtong sa Leyte at Samar
Kaya ilang produkto na galing pang mindanao, manila maging samar ay naka standby lamang sa intrada ng tulay dahil sa mga mabibigat nitong dala
Apektado narin ang ilang commuters gaya ng mga bus na bumabyahe papuntang samar, may Ilan Ilan naman ding nag alok ng libring sakay gaya ng ilang senior citizen na malapit lamang sa pasukan ng tulay nakatira
Binuo ang tulay noong August 1969 at natapos noong 1973 na sa ngayon 52 years old na ang tanda nito
Samantala ayon sa DPWH region 8, maaring makipag coordinate ang mga sasakyang lumalagpas ng 3 metric tons sa Philippine Ports Authority o PPA gamit ang roro sa mga mababanggit na lugar gaya ng Tacloban, Calbayog, Catbalogan, Biliran, Ormoc, Manguinoo Calbayog Samar, Hilongos, Maasin, Naval, Palompon, Calubian, at maging ang Villaba Port sa mga gustong lumabas o pumasok.
Dagdag pa ng dpwh aabot sa 800 million ang maaaring magamit na pondo sa pagsasaayos ng naturang tulay
Sa ngayon wala pang inilalabas na detalye ang DPWH Region 8 kung kaylan mamatapos ang pagsasayos ng natulay, pero panawagan naman ng ilang driver’s at commuters ay sana matapos umano kaagad dahil subrang apektado sila sa kanilang trabaho.