TACLOBAN CITY – “Ipamana hindi ipamina” yan ang panawagan ng mga residente sa MacArthur Leyte sa magaganap na pagmimina.
Ilang araw ng nagsasagawa ng prayer rally an ilang residente ng MacArthur Leyte kasama ang ilang kalapit na lugar nito sa panawagan na ihinto ang pagbabalik na pag mimina sa Barangay Maya, MacAthur Leyte.
Binatikos naman ng publiko ang pamunuan ni Mayor Rudin Babante dahil umano sa wala itong ginagawa aksyon upang pangalagaan ang kanyang nasasakupan.
Dahil dito naging mainit ang debate sa panig ng Minahan, Pamunuan ng MacArthur Leyte at mga residente nito.
Makikita naman ang malaking drager na gagamitin sa pag kuha nito ng magnetite iron sand na matatagpuan sa mga lugar gaya ng Surigao,Cagayan at Leyte.
Nahinto an operasyon ng pagmimina noong 2017 dahil sa kapabayaan sa water and waste management at naibalik naman noong 2020, at muling nahinto noong 2022 dahil naman sa pag ka sira ng water irrigation na nagbibigay suplay sa mga magsasaka.
Isa sa mga idinadaing ng mga residente ay ultimo pampublikong daan ay ipinagkakainit ng minahan na kung saan ilang sa mga palayan nito ay nasa dulo ng minahan.
Depensa naman ng Strong Built Mining Development Corporation na wala pa umanong nagaganap na pag mimina dahil hindi pa umano sila nabibigyan ng permit ng Mines and Geoscience Bureau dahil narin sa mga nakaraang pag labag nila, ngunit sila ay nakapag sumiti na ng mga dokumento umano sa hinihingi ng DENR at MGB.
Dahil sa mainit na batuhan na usapin, nag palabas naman ng Municipal Ordinance ang Mayorga Leyte na hindi pag payag sa pagmimina sa kanilang lugar naman at nag labas naman ng resulosyon ang Abuyog Leyte na nag dedeklara ng persona non grata sa Stong Built Mining Development Corporation.
Ang nasabing mga lugar ay kabilang sa mga miminahin sana sa loob ng 25 taon at magtatapos sa 2032.
Kaya nanawagan ang mga residente ng MacArthur Leyte at mga kalapit na lugar na ihinto ang naturang pagmimina, dahil habang naruruon daw ang dredger itoy isang banta umano sa agrikultura at kinabukasan ng nasabing lugar.











