-- Advertisements --

TACLOBAN CITY– Puno ng luha at pag hingi ng katarungan ang huling hiling ng mga magulang, kaanak at kaibigan ni Chris Lorenz Fabian sa sinapit nito.

Matatandaan na isa sa Fabian sa mga nasawi sa nagapap na pamamaril sa San Jose National High School dito sa Tacloban Ciry, na kinasasangkutan ng dalawang suspect na menor-de-edad.

Ayon sa kaanak at pamilya ni Chris Lorenz, mabait, pursigido na makapag tapos sa pag-aaral at masunuring bata umano ito.

Unang dinala ang labi ni Chris Lorenz sa St. Roch the Healer Parish at dinala naman ito sa Superior Tacloban Memorial Garden.

Doon, bumuhos ang mga luha ng mga kaanak at kaibigan ni Chris Lorenz kung saan puno nag paghihinagpis at pamamaalam.

Ayon sa Ina ni Chris Lorenz na si Erbia Fabian, hindi daw sila pumapayag na sa DSWD lang mapupunta ang dalawang suspect na menor-de-edad na kumitil sa buhay ng kanyang anak.

Dagdag pa nito na dapat ito’y managot pati ang mga taong hinayaang makagamit ang dalawang suspect ng baril ay managot umano.

Kasama naman sa mga nagbigay ng service o sasakyan ang Office of the Vice President, Tingog Partylist at iba pa.

Hiling ni Ebia Fabian sa pangulo na tulungan silang makamit ang hustisya para kaniyang anak sa dalawang bata na binawain din ng buhay.

Hindi-hindi daw malilimutan ng magulang ni Fabian ang sakit na idulot ng trahedya sa loob ng paaralan.