TACLOBAN CITY -Lubos na nalulungkot ang mga katoliko sa Eastern Visayas, sa pagpanaw ng Santo Papa na nagin bahagi ng kanilang pag-asa.
Sa pag panaw ng santo papa na si Pope Francis labis ang pagkalungkot ng mga katoliko dito sa Eastern Visayas, dahil itoy nagdala ng pag-asa at pagmamahal sa bawat Isa
Sa kasagsagan ng pananalasa nang Super Typhoon Yolanda noong November 8, 2013, libo-libong pilipino sa eastern visayas ang namawalan ng mahal sa buhay na tila bay naubos ang pag-asa at hindi alam kung ano ang gagawin
Taong January 17, 2015 bumista ang santo papa sa Tacloban at Palo leyte kung saan nagdala ito ng pag-asa at dalangin sa mga naging biktima ng bagyo, isa si Annie Cordero Corpin sa mga malapitang nakita ang santo papa kung saan Isa siyang Vice President Council Leyte ng Archdiocese of Palo.
Nagsagawa ng Mass for the eternal repose para kay Pope Francis sa Metropolitan Cathedral of Our Lord’s Transfiguration sa Palo leyte sa araw mismo ng paglibing sa santo papa, kung saan pinangunahan ito ni Most Reverend. John F. Du, D.D Archbishop of Archdiocese ng Palo, kung saan sa homily ay pareho sila ng naging eksperyisiya ni corpin sa pagbisita ng santo papa
Ayon pa kay Annie Cordero Corpin, damang dama niya ang pagiging ama ng santo papa sa simbahang katoliko at ipinapaala rin umano ng santo papa na huwag matakot sa kamatayan dahil bahagi umano ito ng buhay at hindi mawalan ng pag-asa sa diyos.
Kasama sa mesa ang mga ginamit ng santo papa tulad ng untesils na ginamit sa salo salo kasama ang mga yolanda at bohol earthquake survivor’s at maging ang regalo ni pope francis sa Archdiocese ng Palo.