TACLOBAN CITY – Patuloy ang daing ng ilang mga nabiktima ng supertyphoon Yolanda sa bayan ng Palo sa lalawigan ng Leyte.
Panawaga ng mga ito na sana ay mailipat na sila mula sa kanilang maliit, mala-oven at napakainit na temporary shelters.
Kwento ng “Yolanda survivor” na si Rebecca Lanog, grabe umano ang kanilang pinagdadaanan sa naturang lugar lalo pat wala pa rin silang mga suplay ng kuryente kahit mahigit tatlong taon na silang nanatili sa naturang lugar.
Dahil sa kanilang sitwasyon ay ilan sa mga ito ang nagkakasakit at ilan pa ang namamatay.
Napag-alaman na gawa lamang sa plastic fiber glass ang naturang mga pabahay kaya’t napakainit lalo na kung tanghali at hapon.
Sa panayam naman ng Bombo news team sa pamilya Bandong, sinabi ng mga ito na pinapayungan na lang nila sa loob ng bahay ang kanilang 70-anyo na tatay na na-stroke dahil sa init.
Nitong buwan lamang ay isang 2 yrs old na bata ang namatay dahil sa sakit na asthma at kawalan ng bentilasyon.
Ikinakabahala ng ilan ang lugar dahil nasa 45 porsyento ng populasyon ng naturang temporary shelters ay matatanda at mga kabataan.
Panawagan naman ng mga ito na sana ay mailipat na sila sa mga permanente na mga pabahay na una nang ipinangako ng pamahalaan.